Mauritius, naitala ang unang dalawang kaso ng Omicron variant

 

Naitala ng Mauritius ang unang dalawang kaso ng COVID-19 Omicron variant, ayon kay Health Minister Kailesh Jagutpal nitong Biyernes, Dec. 10.

Sinabi ni Jagutpal na asymptomatic ang dalawang nakitaan ng Omicron variant na negatibo na sa virus nang suriin noong Huwebes.

“They have already gone home,” pahayag ni Jagutpal.

Dagdag pa ng opisyal na isinagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo kung saan 12 ang positive cases na may missing S gene na tell-tale sign ng Omicron.

Sa kasalukuyan, ina-analyze na ng health authorities ang mga sample para malaman kung ito ay Omicron.

Isa sa dalawang kaso ng Omicron ay lalake na dumating sa isla mula South Africa noong November 27.

Naunang natukoy ng South Africa ang variant noong November 25, dalawang araw bago bumalik sa bansa ang lalake na nagpositibo sa COVID-19 Omicron variant.

Ang isang kaso naman ay babae na ang asawa ay bumalik mula South Africa noong Nov. 18.

Nitong October, binuksan ng Mauritius ang kanilang bansa para sa international visitors para muling buhayin ang kanilang tourism industry matapos ang mahabang buwan ng isolation dahil sa pandemya.

Pero, muling nagpatupad ng restriction ang bansa noong isang buwan dahil sa surge ng COVID-19 Delta variant.

Sa pinakahuling ulat, nakapagtala ang Mauritius ng 62,652 kaso ng COVID-19 at may 680 nasawi.

Mahigit 900,000 indibidwal naman ang fully vaccinated na 73.5 porsyento ng kanilang populasyon.

(NP)

The post Mauritius, naitala ang unang dalawang kaso ng Omicron variant appeared first on News Patrol.



Mauritius, naitala ang unang dalawang kaso ng Omicron variant
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments