(Photo Courtesy: NTF against Covid-19 FB)
Pagtutuunan ng pansin ng gobyerno sa ikalawang COVID-19 vaccination drive ang limang rehiyon na may low vaccination rate status, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Partikular na rito ang Region 3 (Central Luzon), Region 4A (Calabarzon – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Mayroon pa rin ho tayong mga binabantayan na mga rehiyon kung saan medyo mababa pa rin ho ang ating coverage and this includes Region 4A, Region 3, Region 7. Ito pong tatlong regions na ‘to, kaya naman din po talagang mababa pa rin ang coverage dahil napakalaking rehiyon po nito at malaki ang population,” ayon pa kay Vergeire.
“Mayroon din ho tayo sa BARMM at saka Region 6 na medyo mababa pa rin ang vaccination,” dagdag ni Vergeire.
Isasagawa ang ikalawang national vaccination program sa December 15 hanggang 17.
“So, this coming December 15 to 17, ito po ‘yung mga areas na talagang we are focusing on at pupuntahan talaga ng ating volunteers, mga partners ng private sector, and non-government organization para matulungan po natin sila na maitaas ‘yung antas ng pagbabakuna among those unvaccinated in their regions,” paliwanag ni Vergeire. “
Actually, nung last vaccination days natin, ‘yung November 29 to December 1, nakita natin na talagang naipataas talaga ng lahat ng ating regions ang kanilang vaccine coverage and we hope to have this kind of coverage again pagdating nitong December 15 to 17,” saad pa ni Vergeire.
(Toni Tambong)
The post Limang rehiyon, pagtutuunan ng pansin ng gobyerno sa ikalawang yugto ng National Vaccination Day appeared first on News Patrol.
Limang rehiyon, pagtutuunan ng pansin ng gobyerno sa ikalawang yugto ng National Vaccination Day
Source: Trending Filipino News
0 Comments