(Photo Courtesy: Screengrab PTV FB, Larawan ng Pfizer vaccines na binili ng Pilipinas, Dec. 1, 2021)
Natanggap na ng Pilipinas ang karagdagang 1,078,740 Pfizer COVID-19 vaccine doses kagabi, December 1.
Ang nasabing shipment na binili ng gobyerno ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas 8 ng gabi via Air Hong Kong Flight LD456.
Ito ang una sa nakatakdang tatlong delivery ng nasa 2,394,990 Pfizer vaccines na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank, ayon sa National Task Force Against COVID-19.
Inaasahan namang darating ang susunod na mga shipment ngayong Huwebes, at sa Sabado, ayon pa sa NTF.
Samantala, aabot sa 1,632,900 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng French government ang dumating sa Pilipinas, noong Miyerkules naman ng hapon.
Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lagpas 4pm.
Sa ngayon ay umabot na sa 145.4 million doses ng bakuna ang kabuuang natatanggap ng Pilipinas.
(Toni Tambong)
The post Higit 1M Pfizer jabs at 1.6M AstraZeneca vaccines na donasyon ng France, dumating sa Pilipinas appeared first on News Patrol.
Higit 1M Pfizer jabs at 1.6M AstraZeneca vaccines na donasyon ng France, dumating sa Pilipinas
Source: Trending Filipino News
0 Comments