Pinasok na rin ng Omicron variant ng Covid-19 ang mga bansang United Arab Emirates (UAE), United States of America (USA) at Saudi Arabia.
Sa UAE na-detect ang Omicron sa isang African woman na dumating sa bansa.
Sa Saudi Arabia naman, na-detect ang isang kaso ng may Omicron mula sa isang Saudi national na nanggaling naman sa isang north African country.
Sa Amerika, umabot na sa California ang Omicron variant ayon kay US top scientist Dr. Anthony Fauci.
Natukoy ang unang kaso ng Omicron variant mula sa isang fully vaccinated na pasyente na bumiyahe sa South Africa.
Ayon kay Fauci, kinumpirma ito mismo ng centers for disease control and prevention.
Naitala ang unang kumpirmadong kaso doon kasunod ng genome sequencing sa University of California.
Una nang sinabi ni U-S president Joe Biden na dapat maging alerto sa banta ng naturang strain pero hindi naman kailangang mag-panic.
Sa ngayon, isa ang Amerika sa nagpapatupad ng travel restrictions sa mga bansang may Omicron variant, partikular na sa South Africa.
Sinabi rin ni Fauci na walang booster shot ang nasabing pasyente.
Bukod sa mga nasabing bansa, nakapagtala na rin ng Omicron cases sa Canada, Australia, Japan, Hong Kong, Israel at Europe.
Samantala, inanunsyo ng Ireland ang requirement na negative Covid-19 test result sa lahat ng bibiyahe sa kanilang bansa.
Ipatutupad ito simula sa Biyernes, December 3.
(Toni Tambong)
The post UAE, USA at Saudi Arabia, may Omicron variant na rin appeared first on News Patrol.
UAE, USA at Saudi Arabia, may Omicron variant na rin
Source: Trending Filipino News
0 Comments