FDA, nagbabala sa publiko tungkol sa mga beauty cream na walang market authorization

Nagbabala ang Food and Drug administration (FDA) sa publiko tungkol sa mga beauty na walang market authorization.

Naglabas ng magkahiwalay na warning ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng limang imported beauty creams na ibinebenta sa bansa ng walang market authorization.

Sa FDA Advisories No. 2021-3043, 3055, 3057, 3059, at 3060, binalaan ng FDA ang publiko na huwag bumili at gumamit ng mga sumusunod na produkto.

– Parley Goldie Advanced Beauty Cream

– Safora Beauty Cream

– Morning Face Beauty Cream

– AQME Beauty Cream

– Golden Pearl Beauty Cream

Binalaan din ng FDA ang mga establisimyento na huwag ipamahagi ang mga nasabing produkto na ayon sa environmental protection group na Ecowaste, ay may label na ginawa sa Pakistan.

Ayon sa FDA, ang mga produkto ay hindi dumaan sa tamang proseso ng ahensya kaya’t  hindi tiyak na ligtas sa kalusugan ng publiko lalo na ang mga beauty cosmetics na may mercury content.

(Jocelyn Domenden)

The post FDA, nagbabala sa publiko tungkol sa mga beauty cream na walang market authorization appeared first on News Patrol.



FDA, nagbabala sa publiko tungkol sa mga beauty cream na walang market authorization
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments