Apela ng 107 party list, hindi pinagbigyan ng Comelec

Pinal na ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pagbigyan ang mahigit sa 100 aplikasyon para sa party list registration bago ang 2022 elections.

Ito ay matapos na ibasura ng poll body ang isinampang motion for reconsideration ng 107 party list groups, base sa inilabas na resolusyon noong Sabado, December 4.

Samantala, mayroong 13 grupo pa ang may pending status sa Comelec, kasama ang LOGRO Kusinero ni Chef Boy Logro, Mother for Change ni Mocha Uson at Malasakit Movement ni Celine Pialago.

Sa kabuuan ay nasa 165 party list groups kabilang ang pending resolutions ang pinapayagan na lumahok sa isasagawang raffle sa December 10 para sa order of appearance sa balota.

Inaasahan namang ilalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa darating na 2022 elections bago matapos ang taon.

(Toni Tambong)

The post Apela ng 107 party list, hindi pinagbigyan ng Comelec appeared first on News Patrol.



Apela ng 107 party list, hindi pinagbigyan ng Comelec
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments