PH Para team, wagi ng gold at silver medal sa Bahrain

Nagwagi ang Pilipinas ng isang gold at isang silver medal sa Asian Youth Para Games sa Bahrain.

Isa na namang karangalan ang nakamit ng Paralympics team ng Pilipinas matapos na masungkit ang gold at silver sa 2021 Asian Youth Para Games sa Manama, Bahrain.

Sina Ariel Joseph Alegarbes at Ronn Russel Mitra ang bagong mga bayani ng bansa matapos makuha ang gold at silver, mula sa kani-kanilang events.

(Courtesy: PHILSPADA FB/Ariel Joseph Alegarbes)

(Courtesy: PSA/Ronn Russel Mitra)

Nilagpasan din nila ang nakuhang medalya ng bansa noong 2017 edition ng Para Games sa Dubai kung saan nakakuha lang ang Pilipinas ng isang bronze.

Nanalo si Alegarbes ng gold sa S14 100-meter butterfly event sa swimming habang si Mitra ay 2nd place naman sa 400-meter T20 event sa Para Athletics.

Nagtapos si Alegarbes na mas mabilis kay Rei Kagose ng Japan para sa top honor na may tiyempong 1:01.96.

Nakuha naman ni W. In-Choo ng Thailand ang bronze.

Tinalo naman ni Mitra si Youngsik Munn ng Korea matapos lumamang ng 0.07 na segundo sa kanyang 54.65 finish.

Gold medal naman ang naibulsa ni Natapon Kaewmanee ng Thailand sa event ni Mitra na 54.10.

(Toni Tambong)

The post PH Para team, wagi ng gold at silver medal sa Bahrain appeared first on News Patrol.



PH Para team, wagi ng gold at silver medal sa Bahrain
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments