Apat na church members ni Quiboloy, naghain ng “not guilty plea” sa sex trafficking case

“Not guilty!”

Ito ang iginiit ng apat na US-based administrators ng Kingdom of Jesus Christ matapos masangkot sa mga kasong sex at labor trafficking ng kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.

Kinilala ang defendants na sina Guia Cabactulan, Amanda Estopare at Marissa Duenas.

Matatandaang kinasuhan ang tatlo noong Enero 2020 na nagresulta sa FBI raid sa KOJC compound sa Van Nuys California.

Habang ang ikaapat naman  ay kinilalang si Felina Salinas na nagpakita sa korte virtually mula Hawaii para sabihing naiintindihan niya ang mga kasong isinampa sa kanya.

Ilan lamang ang apat na ito sa siyam na defendant sa superseding indictment na iniuugnay laban kay Quiboloy.

Ayon pa sa rekord ng korte, ang iba pang defendants ay nakapaghain na rin ng “not guilty plea.”

Hindi pa naman alam kung kailan dadalhin ang mga defendant kabilang si Quiboloy sa US para sa indictment sa  kaso.

Siniguro naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magiging bukas ang Pilipinas sa imbestigasyon kay Quiboloy.

Matatandaang sinabi ni Quiboloy na kaya nangyayari ang Omicron variant ay dahil sa mga pagtuligsa sa kanya.

Sa kabila nito ay pinatawad na rin umano niya ang mga sumisira sa kanyang pangalan.

(Toni Tambong)

The post Apat na church members ni Quiboloy, naghain ng “not guilty plea” sa sex trafficking case appeared first on News Patrol.



Apat na church members ni Quiboloy, naghain ng “not guilty plea” sa sex trafficking case
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments