(Photo credit: Zymon Bacongallo via positivelyfilipino.com)
Hinihikayat ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Unit (DILG) na magpasa ng local ordinance na higpitan ang pangangaroling ng 11 anyos pababa ngayong Christmas season.
Paliwanag ni DILG Usec. Martin Diño, kailangan protektado ang mga mamamayan dahil ang mga hindi lamang bakunado sa ngayon ay mga 11 taong gulang pababa.
Bukod dito, sinabi ni Diño na delikado rin sa gabi para sa mga bata na nasa naturang edad na umiikot o namamasko dahil iba-iba ang kanilang nakakasalamuha.
“Palagay ko if ever na papayagan, bantayan ng mabuti ng barangay,” ayon pa kay Diño sa Balitaan sa Maynila.
Giit din ni Diño na bagamat isang tradisyon na ang pangangaroling tuwing sasapit ang kapaskuhan dapat protektado ang mga batang magsasagawa nito.
Kailangan pa muna aniyang iwasan ito lalo na at may natuklasan na namang bagong variant. Ang mga batang 11 taong gulang pababa ay wala pang proteksyon laban sa Covid-19.
Pagdating naman sa Christmas party, sinabi ni Diño na mayroon naman aniyang panuntunan hinggil dito na kailangang sundin.
Nagpaalala rin siya sa mga magulang na maghintay-hintay lamang para sa bakuna ng kanilang anak na ngayon ay pinag-aaralan na ng gobyerno.
(Jocelyn Domenden)
The post DILG, hinikayat ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa sa pangangaroling ng mga bata appeared first on News Patrol.
DILG, hinikayat ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa sa pangangaroling ng mga bata
Source: Trending Filipino News
0 Comments