Naitala ng Department of Health ang 603 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, December 5, 2021.
Umakyat naman sa 2,834,775 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 1,047 na gumaling at 156 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (13,853) ang aktibong kaso, 97.8% (2,771,536) na ang gumaling, at 1.74% (49,386) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 3, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
“Of the 156 reported deaths, only 12 occurred in December 2021. 36% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” ayon naman sa pahayag ng DOH.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.
Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
(NP)

The post 603 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 5 appeared first on News Patrol.
603 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 5
Source: Trending Filipino News
0 Comments