Kinumpirma ng Chile ang unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Natukoy ito mula sa isang traveler na dumating noong isang buwan mula sa Ghana.
Ayon sa health authorities sa Valparaiso region, ang biyahero ay nagpakita ng pruweba ng negatibong PCR test.
Pero, lumabas sa resulta ng test na kinuha pagdating sa airport na siya ay nagpositibo.
Ayon pa sa ulat, ang pasahero ay fully vaccinated at maayos ang kalusugan.
Nasa isolation na ang biyahero mula nang dumating sa bansa.
(NP)
The post Chile, kinumpirma ang unang kaso ng Omicron variant appeared first on News Patrol.
Chile, kinumpirma ang unang kaso ng Omicron variant
Source: Trending Filipino News
0 Comments