(Photo: Christian Heramis)
Matagumpay ang unang araw ng face-to-face classes na inilunsad sa Metro Manila ngayong Lunes, ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Giit ng opisyal na walang nangyaring masama sa pag-uumpisa ng in-person classes sa Metro Manila.
“So far, it has been smooth and we have officials of the department that are on the ground both in the central office and the regions,” ayon kay Malaluan sa Laging Handa public briefing.
“We have not received any adverse report as of now,” dagdag pa niya.
Kabilang ang 28 pampublikong paaralan sa Metro Manila sa pilot face-to-face classes, kasunod ng dalawang taong hindi pagsasagawa ng pisikal na klase sanhi ng COVID-19 outbreak noong 2020.
“Napakahalaga nitong sa NCR (National Capital Region) dahil alam natin na ‘yung character ng NCR as highly urbanized and congested area. So very important ito,” giit ni Malaluan.
Sinabi pa ni Malaluan na magsusumite ang mga kalahok na paaralan ng assessment ng pilot implementation na kokolektahin ng departamento at ipapasa sa Office of the President bago matapos ang taon.
“Since so far ay maganda ang tinatakbo, ang ating ina-anticipate ay ang magiging recommendation na pagpapalawak nito sa expanded phase early next year,” dagdag pa ni Malaluan.
(Toni Tambong)
The post Deped: Face to face classes sa NCR, naging matagumpay appeared first on News Patrol.
Deped: Face to face classes sa NCR, naging matagumpay
Source: Trending Filipino News
0 Comments