(Photo courtesy: screengrab from Municipality of Sagada FB)
Unti-unti nang nagbubukas ang Sagada, Mountain Province sa mga turista.
Kailangang nakasakay din ang mga turista sa isang personal o private vehicle sa pagbisita sa Sagada.
Ang mga turista ay kailangang 18-65 years old.
Hinikayat din ni Mayor Pooten ang mga bisita na sumunod sa regulasyon ng lugar para masiguro ang masaya at ligtas na pagbisita sa munisipalidad.
Kailangan ding mag-register muna ang mga bisita sa online registration platform ng Sagada, ang– umali-kayo.sagada.gov.ph, at saka mag-book ng accommodations sa mga establisimyentong accredited ng Departmnet of Tourism online.
Ang registration portal ng Sagada ay bukas mula 8 a.m. hanggang 4 p.m. araw-araw.
Ang mga hindi bakunadong turista ay kailangan magpakita ng negative RT-PCR test na kinuha 72 hours bago ang biyahe sa Sagada.
Ang mga bakunado naman ay kailangan lamang magpakita ng kanilang vaccination card o certificate na nagpapatunay na sila ay fully vaccinated na.
(NP)
The post 300 turista kada araw, papayagan na sa Sagada appeared first on News Patrol.
300 turista kada araw, papayagan na sa Sagada
Source: Trending Filipino News
0 Comments