Iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw, Lunes, Dec 6, na walang foul play sa pagkamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac.
Naniniwala ang BuCor na cardiac arrest ang ikinamatay ni Nuezca, ayon sa tagapagsalita ng bureau na si Gabriel Chaclag.
“Doon po sa nagtatanong kung may foul play po ito, doon sa initial investigation po natin… talaga naman pong natural cause ang itinuturo ng kaniyang pagkamatay,” pahayag ni Chaclag sa isang public briefing.
“Wala naman pong nakitang kaaway. Wala pong suspicious na incidents before he was brought to the hospital at iyong initial po na medical examination, physical examination ng mga attending doctors, wala po silang nakitang signs of violence,” dagdag ni Chaclag.
Inaasahan ng BuCor ang resulta ng autopsy ni Nuezca mula sa National Bureau of Investigation sa linggong ito.
Matatandaang December noong isang taon nang barilin at mapatay ng noo’y staff sergeant na si Nuezca ang kanyang mga kapitbahay na sina Sonia Gregorio at kanyang anak na si Frank Anthony matapos magkairingan ukol sa “boga.”
Nakuhanan pa ito ng video at naging viral.
(Toni Tambong)
The post BuCor iginiit na walang ‘foul play’ sa pagkamatay ni Jonel Nuezca appeared first on News Patrol.
BuCor iginiit na walang ‘foul play’ sa pagkamatay ni Jonel Nuezca
Source: Trending Filipino News
0 Comments