(File photo)
Natukoy ng Thailand ang unang kaso ng Omicron variant sa isang U.S. Citizen na dumating sa bansa mula sa Spain noong isang buwang, ayon sa health official.
Ayon kay Opas Karnkawinpong, Director-General of Department of Disease Control, dumatng ang lalaking biyahero noong Nov. 29.
“This first confirmed case of omicron variant is a 35-year-old man who is a U.S. citizen who lived in Spain for a year,” pahayag ni Opas.
Ayon pa kay Opas, ang pasyente ay may mild symptoms.
Sa ngayon, nagpatupad ng travel ban ang Thailand sa mga biyahero mula sa walong African countries kabilang ang Botswana, Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, South Africa at Zimbabwe.
Nakapagtala ng 4,000 bagong kaso ng COVID-19 ang Thailand kung saan 22 ang namatay ngayong Lunes.
Pumalo na sa kabuuang bilang na mahigit 2.1 milyon kaso at 20,966 ang namatay ang magsimula ang pandemya noong isang taon.
Sa pinakabagong datos ng health ministry, nasa 57% na ang mga nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines sa bansa.
(NP)
The post Thailand, may unang kaso na ng COVID-19 omicron variant appeared first on News Patrol.
Thailand, may unang kaso na ng COVID-19 omicron variant
Source: Trending Filipino News
0 Comments