544 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec 3

Umabot na sa 2,833,878 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 544 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Sa ngayon, ito ang ikatlong  araw na mababang bilang ng mga bagong kaso.

Nauna rito ang naitalang 425 noong Nov. 30 at 500 nitong Dec. 1.

Ito rin ang ika-limang araw na mababa sa 700 ang naitatalang mga kaso kada araw.

May naitalang 734 na gumaling at 235 ang namatay.

Ayon sa DOH, may 218 na unang sinabing gumaling na inilagay sa mga namatay matapos ang final validation.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 14,977 (0.5%) ang aktibong kaso.

Nasa 2,769,914 (97.7%) na ang gumaling at 48,987 (1.73%) naman ang namatay.

Ang positivity rate ay 1.8 percent base sa samples na 32,908 indibidwal noong Dec. 1

Sa pinakabagong ulat ng DOH, may dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 30, 2021 at tatlong  laboratoryo rin ang hindi  nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

(NP)

The post 544 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec 3 appeared first on News Patrol.



544 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec 3
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments