183 pang byahero mula South Africa tinutunton ng DOH

(File)

Tinutunton pa ang 183 byahero na nagmula sa South Africa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOH na dumating ang mga byahero sa Pilipinas mula November 15 hanggang 29 sa gitna ng banta ng omicron variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 71 mula sa 254 dumating galing South Africa ang na-trace na.

Nasa 67 pang manlalakbay ang sasailalim sa retesting habang tatlo na ang naunang nagnegatibo.

“The 3 South Africans who arrived in Negros Occidental last Nov. 25 and 26 are all fully vaccinated and are all currently asymptomatic,” pahayag ni Vergeire.

“They are undergoing home quarantine in a rented house and underwent reswabbing on Dec. 1 with pending test results,” dagdag pa ni Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire, pinaigting pa ng Pilipinas ang arrival protocols sa mga bansang hindi kabilang sa red list.

Extended ang facility-based quarantine ng limang araw para sa mga fully vaccinated individuals at pitong araw naman sa mga wala pang bakuna na kailangan din tapusin ang mandatory 14-day home quarantine.

(Toni Tambong)

The post 183 pang byahero mula South Africa tinutunton ng DOH appeared first on News Patrol.



183 pang byahero mula South Africa tinutunton ng DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments