P1K “plastic” bill, ipakakalat na sa Abril 2022

(File; ang kasalukuyang P1,000 bill na ginagamit sa bansa na gawa sa papel)

Nakatakdang dumating sa bansa ang unang batch ng polymer banknotes o pera na gawang-plastik sa April 2022, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang unang batch ng mas matibay na pera ay gagawin ng Reserve Bank of Australia at ang subsidiary nito na Note Printing Australia.

“Australia’s the first country to issue full-series polymer banknotes and has produced and supplied polymer banknotes to several countries. As such, their advanced technology and expertise in the printing of polymer banknotes will be the best benchmark for our first circulation,” pahayag ni Diokno.

Pinayagan ng central bank ang Australia na gumawa ng 500 milyong piraso ng ₱1,000 polymer bills para sa pilot nito na tatagal mula 2022 hanggang 2025, ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan.

Ang Polymer banknotes ay sinasabing may lifespan 2.5 hanggang 4 na beses kumpara sa mga gawang papel na pera.

Maari ring linisin ang mga polymer banknote nang hindi nasisira.

Dahil mas mahaba ang lifespan, mas matagal din ang panahon na gugugulin para palitan ito kaya mas malaki ang matitipid ng gobyerno, paliwanag pa ng BSP.

(Toni Tambong)

 

The post P1K “plastic” bill, ipakakalat na sa Abril 2022 appeared first on News Patrol.



P1K “plastic” bill, ipakakalat na sa Abril 2022
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments