Inendorso na ng panel ng expert advisers mula sa U.S. Food and Drug Administration (U.S. FDA) ang experimental COVID-19 treatment pill na Molnupiravir na gawa ng Merck & Co Inc and Ridgeback Biotherapeutics LP.
Sa botong 13-10, inirekomenda ng Antimicrobial Drugs Advisory Committee ang authorization ng gamot.
Ang Molnupiravir ay oral antiviral drug na panlunas sa mild hanggang moderate symptoms ng COVID-19.
Ang FDA at Centers for Disease Control and Prevention ang magbibigay ng final authorization para maging available sa publiko ang naturang gamot sa emergency basis.
Ayon sa ilang miyembro ng komite, inendorso ng panel ang Molnupiravir sa kabila ng mga pagdududa sa kaligtasan at pagiging epektibo nito.
Unang sinabi ng Merck na 50% ang effectivity ng gamot, pero sa bagong datos, ibinaba ito sa 30% na lamang.
Ayon sa komite, isinaalang-alang nila ang kakayahan ng gamot na maiwasan ang pagkaka-ospital o pagkamatay ng high-risk individuals dahil sa COVID-19.
Kapwa naman inirekomenda ng FDA at Merck na huwag ipainom ang gamot sa mga buntis.
Samantala, dine-develop naman ng Pfizer Inc. ang gamot na tinatawag na Paxlovid.
Sa cilinical trials, lumabas na nakakabawas ito ng hanggang 89% ng tsansang ma-aospital at masawi sa COVID-19.
Nakatakda naman itong ikonsidera ng FDA sa mga susunod na buwan.
(NP; with report from Toni Tambong)
The post U.S. FDA inendorso na ang Molnupiravir COVID-19 treatment pill appeared first on News Patrol.
U.S. FDA inendorso na ang Molnupiravir COVID-19 treatment pill
Source: Trending Filipino News
0 Comments