Google hindi tatanggap ng political ads para sa 2022 elections

Hindi tatanggap ng election advertisements ang tech giant na Google sa panahon ng kampanya para sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ng Google Philippines nitong Miyerkules, December 1.

Sakop nito ang campaign period na magsisimula sa February 8 hanggang May 7, 2022.

Kabilang sa election ads na hindi tatanggapin ay ang mga binayaran gamit ang Google Ads, Display, Video 360 at shopping platforms na may planong mag-advertise sa Google at Youtube, paliwanag ng Google.

Ayon sa tech giant, mas pagtutuunan nila ng pansin ang paghahayag ng impormasyon tungo sa malinis na halalan.

“Google is focusing its efforts and resources on upcoming election-related initiatives which aim to help people access useful and accurate information…, encourage participation in the voting process, and help protect the integrity of the elections,” sabi ng Google.

Mapapansin na ilang buwan pa bago magsimula ang official campaign period ay ilang kandidato na ang gumagastos sa Facebook ads at traditional media, ayon sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

(NP)

The post Google hindi tatanggap ng political ads para sa 2022 elections appeared first on News Patrol.



Google hindi tatanggap ng political ads para sa 2022 elections
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments