Dinepensahan ng Malacanang ang pananatili ng National Capital Region sa Alert Level 2 hanggang December 15.
Giit ng pamahalaan hindi pa nila nakikita ang posibilidad ng pagbababa sa Alert Level 1 ng quarantine status sa alinmang bahagi ng bansa.
Ayon ito kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang televised briefing.
Sa ngayon ay inaayos pa nila ang mga batayan upang maikunsidera ang pagbaba ng status sa Alert Level 1.
“Sa ngayon meron pa kaming tini-tweak at fina-finalize na mga parameters. Right now, hindi tayo handa na mag-declare ng any Alert Level 1,” sabi pa ni Nograles.
Dagdag pa rito ang banta ng Omicron variant na ayon sa ulat ay hindi pa nakapapasok sa bansa.
Kagabi (Nov. 30) ay idineklara ang extension ng Alert Level 2 sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa hanggang December 15.
(Toni Tambong)
The post Alert Level 2 sa NCR dinepensahan ng Malacanang appeared first on News Patrol.
Alert Level 2 sa NCR dinepensahan ng Malacanang
Source: Trending Filipino News
0 Comments