Opisyal nang sinimulan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang kanyang termino bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon sa CBCP, si David ang papalit kay Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao.
Kilala si Bishop David bilang mahigpit na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa giyera kontra droga
Noong 2019, inihain ang reklamong sedisyon laban sa kanya at ilang lider ng simbahang Katolika na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.
“The charges of sedition being leveled against us are not only unjust; they are atrocious. They are based on nothing but false testimony,” sinabi ng obispo.
Ipinanganak ang obispo sa Guagua, Pampanga at naordinahan bilang pari noong March 12, 1983.
Taong 2006, itinalaga siya ni Pope Benedict XVI bilang Titular Bishop ng Guardialfiera at Auxiliary ng San Fernando.
Itinalaga siya ng Santo Papa bilang Obispo ng Caloocan noong September 14, 2015.
Ang bise-presidente ng CBCP ay si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.
Ang mga miyembro ng konseho sa Luzon ay sina Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay, Malolos Bishop Dennis Villarojo, Balanga Bishop Ruperto Santos at Lipa Archbishop Gilbert Garcera.
Para naman sa Visayas, ang mga kinatawan ay sina Masbate Bishop Jose Bantolo, Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon at Kabankalan Bishop Louie Galbines.
Kinatawan naman sa Mindanao ay sina Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan at Mati Bishop Abel Apigo.
(Jocelyn Domenden)
The post Bishop Pablo Virgilio David sinimulan na ang termino bilang CBCP president appeared first on News Patrol.
Bishop Pablo Virgilio David sinimulan na ang termino bilang CBCP president
Source: Trending Filipino News
0 Comments