(Photo credit: Screengrab from CCTV outside Liverpool Women’s Hospital)
Itinaas ng UK ang terror threat level nito sa ‘severe’ matapos ang pagsabog sa isang taxi na paparada sa isang ospital sa Liverpool, England nitong Linggo, Nov. 14.
Patay sa pagsabog ang pasahero ng taxi habang sugatan naman ang driver nito.
Ayon sa British police, ang namatay na pasahero ang pinaniniwalaang gumawa ng pampasabog at dala niya nang sumakay sa taxi.
“Our inquiries indicate that an improvised explosive device was manufactured, and our assumption so far is that it was built by the passenger in the taxi,” ayon kay Assistant Chief Constable Russ Jackson ng Counter-Terrorism Policing Northwest.
Kilala na rin ng mga pulis ang nasawing pasahero pero hindi pa muna nila ito isinasapubliko.
Gayong inaalam pa rin ang tunay na motibo sa nangyaring pagpapasabog, ayon sa mga pulis, itinuturing na nila itong terrorist incident.
Sa ngayon, may apat nang naaresto ang mga pulis kaugnay sa nangyaring pagsabog.
Nangyari ang pagsabog sa taxi bandang alas-11 ng umaga sa UK noong Linggo, ang araw kung kailan naman ginugunita ng Britain ang mga nasawi sa World War One.
(NP)
The post UK, itinaas ang terror threat level matapos ang pagsabog sa isang taxi sa Liverpool, England appeared first on News Patrol.
UK, itinaas ang terror threat level matapos ang pagsabog sa isang taxi sa Liverpool, England
Source: Trending Filipino News
0 Comments