Duterte, itinangging kinokontrol ni Sen. Go ang kanyang mga desisyon

Mariing pinabulaan ni Pang. Duterte na dinidiktahan siya at kinokontrol ng kanyang dating aide at ngayo’y senador na si Bong Go.

Reaksyon ito ni Duterte sa naunang pahayag naman ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, NTF ELCAC, spokesman retired general Antonio Parlade ukol kay Go.

Sinabi ni Parlade na hindi niya kayang makipag-alyansa kay Go dahil kinokontrol umano nito ang mga desisyon ng pangulo.

“I cannot align with SBG (Sen. Bong Go), I’m sorry. But kasama siya sa problema ng bayan natin… I just don’t like the way he does things, including controlling the decisions of the president,” ayon kay Parlade.

Si Parlade, gaya ni Go, ay kakandidato rin bilang presidente sa 2022.

Naghain siya ng kanyang kandidatura, kahapon, Nov. 15, bilang substitute candidate ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) party.

Pero, depensa naman ni Duterte, kailangan si Go sa lingguhang meeting ng kanyang gabinete bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography.

“Health kanya eh, so mabuti na lang siya nandito… But he does not control anybody. He does not control me. He is here to do his duty, na may matanungan tayo agad,” ayon sa pangulo.

Nauna na ring itinanggi ni Go ang alegasyon ni Parlade na kinokontrol niya ang mga desisyon ng pangulo.

(NP)

The post Duterte, itinangging kinokontrol ni Sen. Go ang kanyang mga desisyon appeared first on News Patrol.



Duterte, itinangging kinokontrol ni Sen. Go ang kanyang mga desisyon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments