Itinalaga ni Pang. Duterte na pansamantalang tagapagsalita si cabinet secretary Karlo Nograles.
Ito’y matapos magbitiw sa pwesto kahapon, Nov. 15, si Harry Roque para tumakbo bilang senador sa halalan sa 2022.
“By the way Karlo, si Sec. Roque, he filed his certificate niya kanina yata. He will be running for senator… So kung maaari, ikaw na lang sana ang acting na muna, until we find a replacement. I do not want to burden you with so much… alam ko ‘yung paperwork dadaan sa’yo,” sabi ng pangulo.
Bukod sa pagiging cabinet secretary, co-chair din ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases (IATF) si Nograles.
(NP)
The post Nograles, itinalaga ni Duterte bilang acting spokesman niya appeared first on News Patrol.
Nograles, itinalaga ni Duterte bilang acting spokesman niya
Source: Trending Filipino News
0 Comments