India, bukas na sa mga dayuhang turista; 500,000 libreng visa, handang iisyu

Pinapayagan na ng India na makapasok sa bansa ang mga fully-vaccinated na dayuhang turista sakay ng mga regular commercial flight simula kahapon, Nov. 15.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagbaba ng bilang mga kaso ng COVID-19 at ang pagdami naman ng mga nababakunahan na laban sa sakit.

Ngunit ayon sa health department ng India, kailangan pa ring sundin ng mga dayuhang turista ang mga COVID-19 protocols ng India.

Dapat ding magpakita sila ng COVID-19 negative test result 72 oras mula nang bumiyahe sila pa-India.

Ang iba naman ay posibleng kailanganing sumailalim sa COVID-19 test pagkalapag sa airport.

Ito ang unang pagkakataon na pinapayagan ng India na makapasok ang mga foreign tourist na sakay ng commercial flights mula March 2020.

Isa ang India sa mga bansang malubha ring hinagupit ng pandemia.

Halos kalahating milyong tao ang namatay sa India dahil sa COVID-19.

Sa India rin unang natukoy ang Delta variant ng virus noong December 2020.

Samantala, ayon sa report ng Al Jazeera, para makahikayat ng mga turista na bumisita sa India, nakatakdang mag-isyu ang gobyerno ng kalahating milyong libreng visa hanggang sa Marso ng 2022.

(NP)

The post India, bukas na sa mga dayuhang turista; 500,000 libreng visa, handang iisyu appeared first on News Patrol.



India, bukas na sa mga dayuhang turista; 500,000 libreng visa, handang iisyu
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments