Maaari nang makatanggap ang fully vaccinated na health workers ng kanilang booster shot simula bukas Miyerkoles, Nobyembre 17, ayon sa abiso ng Department of Health.
Dagdag pa sa anunsyo ng DOH, kahit anong brand ng bakuna na unang naiturok sa health workers ay maaari na silang turukan ng booster shot gamit ang Moderna, Pfizer, at Sinovac, base na rin sa emergency use authorization na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA).
“Sinovac will also be offered as a booster for those that had Sinovac as primary series,” pahayag ng DOH.
Ngayong araw, November 16 ilalabas ang guidelines para rito ng National Vaccine Operations Center, dagdag pa ng DOH.
(Toni Tambong)
The post DOH: Health workers na kumpletong bakunado pwede nang turukan ng booster shot simula Nov. 17 appeared first on News Patrol.
DOH: Health workers na kumpletong bakunado pwede nang turukan ng booster shot simula Nov. 17
Source: Trending Filipino News
0 Comments