Naitala sa bansa ngayong araw, November 15 ang 1,547 na panibagong COVID-19 cases.
Dahil dyan ay umakyat na sa 2,818,511 ang kabuuang bilang ng nahawahan ng virus sa bansa, ayon sa Department of Health.
Ito na ang ikalimang magkakasunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mas mababa sa 2,000 kaso ng Covid-19.
Mayroon namang naitalang 2,601 na gumaling at 128 na pumanaw.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Samantala, nagkaroon ng pagtaas sa positivity rate ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw sa National Capital Region (NCR).
Pero siniguro naman ng OCTA Research sa publiko ngayong Lunes, November 15 na walang nangyayaring upward trend o muling pagtaas ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Kamakailan kasi ay nakapagtala ang NCR ng 8% positive growth rate mula November 8 hanggang 14 mula sa dating 5%.
“There is no indication yet of an upward trend in cases. At this time, we assume we are seeing readjustment of numbers due to backlog,” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.
Dagdag pa ng OCTA, ang seven-day average sa bagong COVID cases sa NCR ay tumaas mula 404 sa 435, habang ang reproduction rate ay tumaas ng 0.52 mula 0.37.
Ayon pa sa Octa Research, maganda pa rin naman ang nasabing antas ng reproduction rate na nagpapakita ng bilang ng mahahawaan kada isang kaso.

(w/report from Toni Tambong)
The post 1,547 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, November 15 appeared first on News Patrol.
1,547 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, November 15
Source: Trending Filipino News
0 Comments