(Photo: Senate Sgt. at Arms team kasama ang naarestong magkapatid na Dargani ng Pharmally sa Davao Int’l Airport)
Alam na ng mga senador ang binabalak na “grand escape” ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani patungong Malaysia bago pa man maaresto ang magkapatid at parehong opisyal ng Pharmally.
Ito ang ibinunyag ni Senate Blue Ribbon Committee chairman, senator Richard Gordon.
Ayon kay Gordon, batid nila na lalabas ng bansa ang dalawa via backdoor.
“We knew they were hatching their grand escape via the back door,” sabi ni Gordon.
Hindi na aniya nakapagtataka kung sa home province ni pangulong Rodrigo Duterte binalak ng magkapatid na Dargani na lumabas ng bansa gamit ang isang private plane.
“It was not surprising that the siblings plotted to execute their “grand escape” from President Rodrigo Duterte’s home province. Indeed, they chartered a private plane and were leaving via Davao where they figured they could be safe and make law enforcement officers pause or hesitate to arrest them,” dagdag pa ng senador.
Inakala aniya ng mga ito na posibleng mas ligtas sila kung sa Davao City sila dadaan.
Maaring mag-aalangan ang mga law enforcer na sila ay arestuhin kung nasa home province sila ng pangulo.
Gayunman, ayon sa nagbitiw na tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque, naaresto ang magkapatid na Dargani dahil na rin sa partisipasyon ng ehekutibo.
“I don’t think it can be done without the cooperation of the Executive branch, kasi ang airport po is under the Executive branch,” ayon kay Roque.
Samantala, kanina ay isinailalim sa medical check up ng senate medical and dental bureau ang magkapatid na Dargani.
Ginawa ang nasabing check up sa magkapatid para masiguro na nasa maayos na kondisyon ang kanilang kalusugan habang nasa kustodiya ng senado.
(Estrella Bueno)
The post Mga senador, batid ang balak na pag-eskapo ng magkapatid na Dargani appeared first on News Patrol.
Mga senador, batid ang balak na pag-eskapo ng magkapatid na Dargani
Source: Trending Filipino News
0 Comments