Pangulong Duterte, tatakbong senador, hindi na bise presidente

Kinumpirma ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagtakbong senador ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 elections.

Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections’ headquarters sa pamamagitan ng isang abogado.

Sinabi ni PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, tatakbo si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Si Mona Liza Visorde na umatras sa pagtakbo sa Senado ang pinalitan ng Pangulo sa pamamagitan ng substitution rule ng Comelec.

Giit ni Matibag na tatakbo ang Pangulo sa ilalim ng PDDS para maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban.

Nauna rito, sa text message, sinabi ni Go na ayaw niyang maghain ng VP si Pangulong Duterte dahil ayaw niyang magkasakitan ang mag-ama.

“Ayaw ko din VP file nya. Ayaw ko magkasakitan pa. Tama na ako ang nasaktan. Mataas ang respeto ko kay Pangulo at pamilya,” pahayag ni Senator Go.

Matatandaan na sinabi ng pangulo na tatakbo siyang bise presidente dahil dismayado siya sa pagtakbong vice president ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nag-alinlangan din ang pangulo kung bakit bise president ang tatakbuhin ni Mayor Sara gayun nangunguna siya sa survey.

Si Mayor Sara ay tumatakbo sa ilalim ng partido ng Lakas-CMD at adopted din siya ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang political party ng presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang running mate.

(Toni Tambong)

The post Pangulong Duterte, tatakbong senador, hindi na bise presidente appeared first on News Patrol.



Pangulong Duterte, tatakbong senador, hindi na bise presidente
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments