Tokyo train attack, walang Pinoy na nasaktan, ayon sa PH Embassy

(Photo Courtesy: PTV)

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Japan nitong Lunes, November 1, na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring train attack sa Tokyo.

Ito ang sinabi ni Philippine Deputy Chief of Mission sa Japan, Robespierre Bolivar.

“Sa kabutihang palad, wala namang Pilipino na napaulat na na-injure,” ayon kay Bolivar sa DZBB.

Matatandaang isang lalaking nakasuot ng Joker costume ang umatake sa mga pasahero ng tren sa loob ng Tokyo train line.

Labimpito ang naiulat na nasugatan sa insidente.

“The suspect is now under police custody,” dagdag pa ni Bolivar.

Nasa 400,000 Pinoy ang namamalagi sa Tokyo Metropolitan area.

(Toni Tambong)

The post Tokyo train attack, walang Pinoy na nasaktan, ayon sa PH Embassy appeared first on News Patrol.



Tokyo train attack, walang Pinoy na nasaktan, ayon sa PH Embassy
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments