Walang namo-monitor na panibagong surge bagamat nalalapit na ang Kapaskuhan, ayon sa OCTA Research Group.
Paliwanag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay walang nakikitang panibagong variant.
Pero paalala ni David, bagamat marami nang nababakunahan partikular sa National Capital Region, dapat makasabay ang mga nasa probinsya kung saan mataas umano ang vaccine hesitancy.
Bagamat wala silang namomonitor na posibleng surge ng COVID-19 sa ngayon, ang publiko ay dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing at, kung kinakailangan, quarantine at self-isolation.
Dapat aniyang patuloy ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards upang maiwasan ang hawahan.
Dagdag pa ni David, hanggat maaari ay iwasan pa rin ang mass gatherings.
(Jocelyn Domenden)
The post OCTA: Walang namo-monitor na panibagong COVID-19 surge habang papalapit ang Kapaskuhan appeared first on News Patrol.
OCTA: Walang namo-monitor na panibagong COVID-19 surge habang papalapit ang Kapaskuhan
Source: Trending Filipino News
0 Comments