NCR areas na naka-granular lockdown, nabawasan na; 45 na lang mula 52

(NP File)

Nabawasan na ang mga lugar na naka-granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Mula sa dating 52 lugar, nasa 45 na areas na lang sa National Capital Region ang nasa ilalim sa granular lockdown, ayon sa Philippine National Police (PNP), Nov. 1.

Dagdag pa ng PNP, ipinatupad ang granular lockdown sa 32 kabahayan, anim na subdivision, tatlong residential buildings, tatlong streets at isang purok.

Nasa 179 personnel at 174 force multipliers naman ang ipinakalat ng PNP sa nasabing mga lugar para mapanatili ang seguridad.

Matatandaang sinabi ni Metro Manila Council (MMC) head at ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez na sapat na ang isang kaso ng COVID-19 para i-lockdown ang isang bahay o condo.

Habang kung dalawang kaso naman ay sapat na para i-lockdown ang buong street o kalye.

(Toni Tambong)

The post NCR areas na naka-granular lockdown, nabawasan na; 45 na lang mula 52 appeared first on News Patrol.



NCR areas na naka-granular lockdown, nabawasan na; 45 na lang mula 52
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments