3,117 na Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na mahigit 5 buwan

Naitala ngayong araw sa bansa ang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa nakalipas na mahigit limang buwan.

Ayon sa Department of Health, mayroong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong November 1.

Dahil dyan ay umakyat na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ng hanggang 2,790,375.

Base naman sa datos ng ABS-CBN Investigative and Research Group, ang kaso ngayong araw ang pinakamababa simula noong May 23 kung saan nakapagtala ang DOH ng 3,075 na Covid-19 cases.

Mula sa kabuuang kaso, 43,185 o 1.5 percent ang active cases.

Mayroon namang naitalang 5,124 na gumaling at 104 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (43,185) ang aktibong kaso, 96.9% (2,703,914) na ang gumaling, at 1.55% (43,276) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 30, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sinabi naman ng OCTA Research na patuloy na bumababa ang Covid-19 cases sa National capital Region (NCR) .

“While some LGUs had a one-week growth rate, all 17 LGUs had reproduction numbers less than 0.9. This means all LGUs in the NCR are still on a downward trend,” ayon pa sa OCTA research group.

Sinabi pa ni OCTA fellow Dr. Guido David sa Laging Handa briefing na karamihan ng mga local government units ay naglalaro sa 0.5 hanggang 0.6 ang reproduction number.

Dagdag pa ni David, hindi naman dapat ikabahala ang positive one-week growth rate sa NCR.

“Hindi naman kami concerned sa positive growth rate kasi minsan may delays lang sa data kaya nagkakaroon ng positive growth rate. Ang tinitingnan natin ay ‘yung reproduction number,” dagdag pa niya.

Ang reproduction rate ay tunutukoy sa bilis ng hawaan ng virus mula sa isang kaso.

Matatandaang nauna nang naiulat ng OCTA na bumaba sa 5%  ang positivity rate sa NCR at ito ay maituturing na “low,” habang ang reproduction rate ay 0.53, na low din.

Nasa “low” na rin ang healthcare utilization sa NCR na nasa 30% na rin lamang.

(NP/Toni Tambong)

The post 3,117 na Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na mahigit 5 buwan appeared first on News Patrol.



3,117 na Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na mahigit 5 buwan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments