Nasabat mula sa isang suspek ang tinatayang nasa P5.3 milyong halaga ng cocaine sa Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ayon sa Philippine National Police, nahuli ang suspek sa operations noong Lunes, November 1.
Kinilala ang nahuling suspek na Basir Daud, 49 years old.
Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na posibleng ginagamit ang southern backdoor ng bansa sa pagpuslit ng droga.
“Nagiging modus na nila ang pag-smuggle ng mga droga gamit ang karagatan kaya naman patuloy pa nating pinaiigting ang koordinasyon sa AFP at Coast Guard upang pigilan ang modus na ito,” sabi pa ng PNP Chief.
Bukod sa droga ay nasabat din kay Daud ang isang M16 rifle.
(Toni Tambong)
The post P5.3 M halaga ng cocaine, nasabat sa Tawi-Tawi; 1 suspek arestado appeared first on News Patrol.
P5.3 M halaga ng cocaine, nasabat sa Tawi-Tawi; 1 suspek arestado
Source: Trending Filipino News
0 Comments