OCTA: Lahat ng syudad sa Metro Manila, nasa “low risk” na sa Covid-19

Maituturing nang low risk sa Covid-19 ang lahat ng syudad sa Metro Manila.

Base sa monitoring ng OCTA Research, lumalabas na lahat ng lugar sa National Capital Region ay mas mababa na sa one ang reproduction number o bilis ng hawahan.

Nasa “low risk” na rin ang hospital utilization rate at intensive care unit utilization sa karamihan ng mga lungsod, maliban sa Muntinlupa, Pateros, Makati at San Juan.

Samantala, dahil sa pagbuti ng sitwasyon—suportado ng OCTA ang panukala ng ilang grupo na ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin ang publiko na sumunod sa minimum health standard, gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at palagiang paghuhugas ng kamay–para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

(NP)

The post OCTA: Lahat ng syudad sa Metro Manila, nasa “low risk” na sa Covid-19 appeared first on News Patrol.



OCTA: Lahat ng syudad sa Metro Manila, nasa “low risk” na sa Covid-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments