Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas ngayong araw, Biyernes, Nov. 5, na mas maraming Pilipino ang handang magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Base sa face-to-face interviews na isinagawa mula September 27 hanggang 30 ang survey na may 1,500 respondents na 64 porsyento sa kanila ang handang magpabakuna.
Ito ay mas mataas ng siyam na puntos sa naitalang 55 porsyento noong June.

(Photo courtesy: SWS FB)
Sa mga handang magpabakuna, 25 porsyento ang fully vaccinated na at 10 porsyento naman ang naturukan na ng kanilang first dose.
Samantala, 23 porsyento naman ang nagsabing siguradong magpapabakuna sila, habang anim na porsyento ng bilang ang nagsabing maaari silang magpabakuna.
Hindi naman sigurado kung magpapabakuna ang 19 porsyento ng natitirang bilang ng katao na kalahok sa survey, habang 18 porsyento ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.
Sa mga kalahok na nagsabing ayaw nilang magpabakuna, 14 porsyento ang siguradong hindi sila magpapaturok ng COVID-19 vaccine habang apat na porsyento ang hindi sigurado kung hindi sila magpapabakuna.

(Photo courtesy: SWS FB)
Batay sa survey, mahigit kalahati ng mga Pilipino sa lahat ng island groups ang handang magpabakuna laban sa virus.
Samantala, pinakamataas naman ang kahandaan ng mga tao sa Metro Manila na mabakunahan kung saan pumalo ito sa 87 porsyento, mas mataas ng 11 porsyento kumpara sa 76 porsyento na naitala noong June.
Tumaas din ang bilang sa Luzon mula 54 porsyento na naging 65 porsyento, sa Visayas mula 48 porsyento ay tumaas sa 56 porsyento, at sa Mindanao kung saan magmula sa 48 porsyento ay tumaas ito sa 54 porsyento.

(Photo courtesy: SWS FB)
Base naman sa pinag-aralan, pinakamataas ang vaccination willingness sa mga nakapagtapos ng kolehiyo na pumalo sa 83 porsyento.
Sumunod ang mga nakapagtapos ng junior high school na 68 porsyento.
Nasa 59 porsyento naman sa mga nakapagtapos ng elementarya.
Pinakamababa sa mga hindi nakapagtapos ng elementarya na may 37 porsyento.

(Photo courtesy: SWS FB)
(Toni Tambong)
The post SWS: Mas maraming Pinoy, gusto nang magpabakuna appeared first on News Patrol.
SWS: Mas maraming Pinoy, gusto nang magpabakuna
Source: Trending Filipino News
0 Comments