Nakapagtala ang Department of Health ng 2,376 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 5.
Muling sumampa sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga nagkasakit kumpara kahapon na 1,766.
Dahil dito, umakyat na sa 2,797,986 ang kabuuang kaso ng nagkasakit sa bansa.
Mayroon namang naitalang 2,109 na gumaling at 260 ang pumanaw.
Ito rin ang ikalawang araw na mahigit sa dalawang daan ang bilang ng naitatalang namamatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,377) ang aktibong kaso, habang nasa 97.1% (2,716,524) na ang gumaling, at 1.58% (44,085) naman ang ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 3, 2021 habang may apat na laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).
(NP)
The post Balik sa mahigit 2,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Nov. 5 mula sa 1,766 kahapon appeared first on News Patrol.
Balik sa mahigit 2,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Nov. 5 mula sa 1,766 kahapon
Source: Trending Filipino News
0 Comments