Mungkahing mandatory na pagbakuna sa piling sektor, suportado ng DOH

(File photo)

Suportado ng Department of Health ang mungkahing pagsasagawa ng mandatory pagbabakuna laban sa COVID-19 sa ilang sektor.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat munang magkaroon ng batas bago ito gawing strict requirement.

“Pero ito last resort naman ito ng government dahil gusto na po nating ma-achieve ‘yung proteksyon ng populasyon,” paliwanag ni Vergeire sa press briefing.

“Government has the authority dahil nakikita natin hindi natin ma-achieve ‘yung  protection for the population if part of the population will not receive the vaccines,” pahayag pa ni Vergeire.

Kaugnay ito ng pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na gawing mandatory ang COVID-19 vaccinations.

Sa datos ng gobyerno kahapon, Nov. 4, fully vaccinated na ang nasa 28.7 milyong Pilipino habang 33.7 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose.

(Toni Tambong)

The post Mungkahing mandatory na pagbakuna sa piling sektor, suportado ng DOH appeared first on News Patrol.



Mungkahing mandatory na pagbakuna sa piling sektor, suportado ng DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments