Lumabas na 35% o tinatayang nasa 25 milyon na adult Filipinos ang nakatanggap na ng isang dose ng COVID-19 vaccine batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Sa naturang porsyento, 17.7 milyon o 25% sa kanila ang fully vaccinated habang 10% o 7.3 milyon ang nakatanggap naman ng first dose.

Nagmula sa Metro Manila ang pinakamalaking bahagi nito na nasa 71%, sinundan ng Balance Luzon na 36%, Mindanao sa 25% at Visayas sa 21%.
Kung ikukumpara sa survey nila nitong June 2021, mas mataas ito ng 44 puntos sa NCR mula sa 27% na lebel.

Pagdating sa educational level, mataas na porsyento ng mga nakatanggap na ng COVID vaccine dose ay mga college graduates na nasa 49%, sinundan ng junior high school graduates sa 37%, elementary graduates sa 31% at non-elementary graduates naman sa 23%.

Isinagawa ang survey mula September 27 hanggang 30 na may 1,500 Filipino adult respondents.
May tig-300 na participants mula sa Metro Manila, Visayas, Mindanao at 600 naman sa Balance Luzon.
(Toni Tambong)
The post SWS: 35% ng Pinoy nabakunahan na kontra COVID-19 appeared first on News Patrol.
SWS: 35% ng Pinoy nabakunahan na kontra COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments