Pangangaroling sa Pasko sa NCR, pinayagan na ng DILG

(Photo credit: Zymon Bacongallo via positivelyfilipino.com)

Pinayagan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabalik ng taunang tradisyon ng “caroling” sa National Capital Region na nakasailalim sa Alert Level 2, ayon kay DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya.

Wala namang nakikitang problema si Malaya kung ibabalik ang tradisyon ng pangangaroling sapagkat nauna nang pinayagan na magbukas ang mga videoke bars, subalit kailangan pa rin nitong sumunod sa mga alituntunin gaya ng 50 porsyentong kapasidad at mga fully vaccinated lamang ang maaaring papasukin.

“If caroling is done outdoors, then we do not see any violation in this because we are now under Alert Level 2,” pahayag ni Malaya sa panayam sa DZBB.

Ipinaliwanag din niya na hindi binanggit sa mga regulasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na dapat ipagbawal sa ilalim ng Alert Level 2 ang caroling.

“Under the alert level system, if (it is) not prohibited or regulated, (then it) is allowed,” giit ni Malaya.

Ipinagbawal ang caroling noong isang taon upang maiwasan ang pagtaas sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa panahon ng kapaskuhan.

Sa ngayon, mas pinaluwag na ang quarantine restriction sa NCR sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

(Toni Tambong)

The post Pangangaroling sa Pasko sa NCR, pinayagan na ng DILG appeared first on News Patrol.



Pangangaroling sa Pasko sa NCR, pinayagan na ng DILG
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments