2,087 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, Nov. 8

Naitala ng Department of Health ang 2,087 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 8.

Ito na ang ika-pitong magkakasunod na araw na nagtala ang bansa ng mas mababa sa 3,000 na kaso ng infection.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso na 2,805,294 recorded cases, nasa 32,077 o 1.1 percent  ang active infections o aktibong kaso, ayon sa DOH bulletin.

Ito rin ang naitalang pinakamababang bilang ng active cases sa bansa sa loob ng mahigit na walong buwan o simula noong March 2, kung saan naitala ang 31,643 na active infections.

Ngayong araw din ay mayroon naiulat na 3,510 na gumaling at 91 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 97.3% (2,728,696) na ang gumaling, at 1.59% (44,521) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 6, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

The post 2,087 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, Nov. 8 appeared first on News Patrol.



2,087 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw, Nov. 8
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments