Pilipinas, nagtala ng kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant mula sa Pampanga

Naitala na sa Pilipinas ang kauna-unahang  kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes, November 8.

Sa forum ng Department of Health, ipinaliwanag ni Vergeire na ang B.1.617.1 variant, na dating tinatawag na Kappa variant ay isang variant under monitoring base sa  World Health Organization (WHO).

“It is a variant of interest but as of September 20, 2021, it was declassified and is currently designated by the WHO as a variant under monitoring,” sabi pa ni Vergeire.

Ang unang kaso ng B.1.617.1 variant ay na-detect sa 32-year-old male mula sa Floridablanca, Pampanga.

Ayon pa kay Vergeire, ito ay isang local case.

Ang nasabing lalaki ay unang napaulat na may mild severity ng Covid-19 ngunit naka-recover na sa ngayon.

Ang kanyang sample ay nakolekta noong June 2, 2021.

Sinabi pa ni Vergeire na nagsasagawa na ng imbestigasyon tungkol sa unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa.

“Further investigation is being done by our regional epidemiology and surveillance unit in order to gather more information on this case and there is strict monitoring of this case and the community,” pagtitiyak naman ni Vergeire.

Ang Kappa variant ay unang natuklasan sa India noong October 2020.

Unang itinuring ng World Health Organization (WHO) ang nasabing variant sa “deescalated category” noong September 2021.

(NP)

The post Pilipinas, nagtala ng kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant mula sa Pampanga appeared first on News Patrol.



Pilipinas, nagtala ng kauna-unahang kaso ng B.1.617.1 COVID-19 variant mula sa Pampanga
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments