Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na pinag-aaralan na nila ang muling pagpapatupad ng number coding scheme tuwing rush hour.
Sa panayam ni Abalos sa Unang Balita, iginiit niya na ang bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila ay malapit na sa pre-pandemic level.
“We were thinking what if iyong number coding doon lang sa oras na iyon muna para hindi ganoon ka-drastic. Sa rush hour lang, mga tipong dalawang oras sa umaga, dalawang oras sa gabi,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Abalos, babantayan nila ang sitwasyon ng trapiko sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw bago bumuo ng desisyon.
Batay sa monitoring ng MMDA umabot na sa 398,000 ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA.
405,000 ang average na bilang ng sasakyan sa EDSA bago ang COVID-19 pandemic.
Sinuspinde ang number coding scheme sa Metro Manila noong isang taon sanhi ng limitadong transportasyon sa gitna ng pandemya.
(Toni Tambong)
The post Pagbabalik ng number coding scheme tuwing rush hour, pinag-aaralan ng MMDA appeared first on News Patrol.
Pagbabalik ng number coding scheme tuwing rush hour, pinag-aaralan ng MMDA
Source: Trending Filipino News
0 Comments