(Photo courtesy: PNA)
Dumating sa bansa ang halos tatlong milyong Sputnik V coronavirus disease (COVID-19) vaccine doses, Lunes ng gabi, Nov. 8.
Lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City lampas alas-7:00 ng gabi ang 2,805,000 doses ng nasabing bakuna.
Personal namang sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga vaccine doses at pinasalamatan ang Russian government para sa supply.
“Let us work together to put an end to this disease and its harmful effects to our people and the economy for nearly two years now,” panawagan ng Pangulo.
Umapela rin ang Pangulo sa lahat ng Pilipino na tumulong upang matapos na ang pandemya.
“The government cannot do this alone, and we need your active participation by getting vaccinated and strictly following minimum health standards,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Sa pagdating ng mga bakuna, umabot na sa 7.19 milyon Sputnik V vaccine doses ang natanggap ng Pilipinas mula sa order na 10 milyon.
Sinabi naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ito ang isa sa pinakamalaking shipments ng Sputnik V sa bansa.
Dagdag pa ni Galvez na mahigit 3.5 milyon na Pilipino ang makikinabang sa karagdagang suplay ng bakuna.
Iginiit din ni Galvez na hindi na problema ang suplay ng bakuna sa bansa kundi…
“The greatest challenge is how to get the jabs into the arms of as many Filipinos as possible,” pahayag ni Galvez.
(Toni Tambong)
The post Halos tatlong milyong Sputnik V doses, dumating sa bansa appeared first on News Patrol.
Halos tatlong milyong Sputnik V doses, dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News
0 Comments