Ramon Ang, handang ibenta ang Petron pabalik sa gobyerno sa tamang presyo

Nakahanda ang negosyanteng si Ramon Ang, chair at CEO ng Petron, na ibenta ang kumpanya pabalik sa gobyerno sa tamang halaga na babayaran sa loob ng limang taon.

Ito ang sinabi ni Ang sa ikinasang pagdinig ng House ways and means committee nitong Lunes, Nov. 8.

“I swear, if the government wants to buy it back, just say it and I will sell it back to you. Prepare the valuation immediately,” giit niya.

“If you think that business is a jackpot, let the government buy it at the market valuation. I don’t need to make profits off the government,” dagdag pa ni Ang.

Subalit, nagbabala si Ang na nalugi ang Petron ng P18 bilyon noong 2020.

Ginawa ni Ang ang komento matapos muling manawagan ni ACT Teachers Rep. France Castro ukol sa renationalization ng Petron bilang solusyon umano sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nauna nang naghain sina Bayan Muna Representatives Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ng panukala para sa  renationalization ng oil company.

Kasalukuyan itong nakabinbin sa House committee on energy.

Dating pagmamay-ari ng gobyerno ang Petron, pinakamalaking oil refiner a tretailer sa bansa, bago ang initial public offering ng 20 porsyento ng kumpanya noong 1994 sa ilalim ng privatization program ng dating administrasyong Ramos.

(Toni Tambong)

The post Ramon Ang, handang ibenta ang Petron pabalik sa gobyerno sa tamang presyo appeared first on News Patrol.



Ramon Ang, handang ibenta ang Petron pabalik sa gobyerno sa tamang presyo
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments