NCR areas na nakasailalim sa granular lockdown, 35 na lang

(File photo)

Nasa 35 na lamang mula sa dating 52 na lugar sa National Capital Region ang nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa Philippine National Police.

Naitala ito sa 33 barangay sa Metro Manila kung saan 30 ang kabahayan, tatlo ang residential buildings, isang purok, at isang subdivision.

Ipinaalala naman ng PNP Public Information Office na may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad o mag-alis ng lockdown.

Sa kasalukuyan, naipakalat na ng PNP ang 122 personnel at 101 force multipliers.

Paliwanag ng PNP na sa pagpapatupad ng lockdown sa kalsada, dapat mayroong hanggang tatlong kaso ng COVID-19.

Ang Metro Manila ay isinailalim sa Alert Level 2 mula November 5 hanggang November 21, 2021.

(Toni Tambong)

The post NCR areas na nakasailalim sa granular lockdown, 35 na lang appeared first on News Patrol.



NCR areas na nakasailalim sa granular lockdown, 35 na lang
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments