(Photo courtesy: Office of Senator Manny Pacquiao)
Itinanggi ni Presidential aspirant Senator Manny Pacquiao, ang ulat na nag-gate crash siya umano sa Malakanyang para lang makausap si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ng senador sa sinabi ng pangulo na bigla siyang sumulpot sa Malakanyang noong Martes, Nov. 9.
“It is impossible na sumulpot lang ako sa Malacañang as the president claims. To get inside Malacañang you would need an approved appointmen and you cannot get any appointment if you were not called upon by the president,” ayon kay Pacquiao.
Paliwanag ni Pacquiao na hindi basta-basta makapapasok ang kahit sino sa loob ng palasyo at makipagkita sa pangulong kung walang appointment.
Dagdag pa niya na si 1 Pacman party-list Rep. Eric Pineda ang nagsabi sa kanya nais ng Pangulo na makipag-meeting.
“Hindi po ako traditional politician pero marunong akong makiramdam. Pumayag po ako na pumunta sa Malacañang hindi upang humingi ng suporta kundi upang ipakita ang respeto sa ating Pangulo. Nagpunta ako doon as a gesture of respect to the President,” pahayag ng senador.
Pero, nagulat umano si Pacquiao nang tanungin ang Pangulo kung tungkol saan ang kanilang pagpupulong dahil akala niya ay imbitado siya rito.
“Nagulat ako dahil hindi rin niya alam na may meeting kami. Pareho kaming nagulat,” paliwanag pa ni Pacquiao.
Sa nasabi ring pulong, sinabi ng senador na humingi rin siya ng tawad sa Pangulo kung sakaling na-offend niya man ito sa pagpapalutang ng lumalalang korapsyon sa bansa.
Pinag-usapan din nila ang ilang proyekto at pagpapaunlad sa Mindandao.
Ayon naman sa Malakanyang, si Senador Christopher “Bong” Go ang nag-request ng meeting.
Dagdag pa ng palasyo na maikli lang ang pag-uusap ni Pacquiao at ni pangulong Duterte.
(Toni Tambong)
The post Sen. Pacquiao, itinangging nag-gate crash sa Malakanyang para makausap si Pang. Duterte appeared first on News Patrol.
Sen. Pacquiao, itinangging nag-gate crash sa Malakanyang para makausap si Pang. Duterte
Source: Trending Filipino News
0 Comments