30 lugar, pwede nang bisitahin ng mga turistang fully vaccinated na

Pwede nang bisitahin ng mga turistang fully vaccinated o kumpletong bakunado na ang nasa 30 lugar sa bansa.

Naglabas ng listahan ang Department of Tourism (DOT) ng mga lugar na pwedeng bisitahin ng turista basta sila ay kumpletong bakunado laban sa COVID-19.

Sa anunsyo ng DOT, ang mga turistang fully vaccinated na ay maaaring bumisita sa mga sumusunod na lugar basta makapagpapakita lamang ng kanilang vaccination cards:

  • Baguio City
  • Batangas
  • Bohol
  • Bulacan
  • Calbayog City, Samar
  • Camarines Norte
  • Cebu
  • Cebu City
  • Clark Freeport Zone
  • Dingalan, Aurora
  • Iloilo
  • Maasin City, Southern Leyte
  • Mandaue City
  • Mati, Davao Oriental
  • Misamis Oriental
  • Naga City, Camarines Sur
  • Negros Occidental
  • Nueva Ecija
  • Oriental Mindoro
  • Ormoc City, Leyte
  • Pampanga
  • San Vicente, Palawan
  • Southern Leyte
  • Subic Bay Freeport Zone
  • Tarlac
  • Zamboanga Del Sur
  • Zamboanga Sibugay

Bukod dito, simula ngayon November 15 ay tatanggap na rin ang Camiguin ng fully-vaccinated travelers at sa November 16 naman ay ang Boracay at Guimaras.

(Toni Tambong)

The post 30 lugar, pwede nang bisitahin ng mga turistang fully vaccinated na appeared first on News Patrol.



30 lugar, pwede nang bisitahin ng mga turistang fully vaccinated na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments