Sec. Harry Roque, kakandidato pagka-senador

Kakandidato na rin sa pagka-senador si presidential spokesman Harry Roque.

Ayon kay PCOO Undersecretary Queenie Rodulfo, maghahain ngayong araw, Nov. 15, si Roque ng kanyang kandidatura sa ilalim ng People’s Reform Party (PRP).

Papapalitan ni Roque ang isa sa mga nauna nang kandidato ng PRP.

Hindi naghain ng COC si Roque noong filing period noong Oktubre dahil sinabi niyang kakandidato lang umano siya kapag kumandidato si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo sa 2022.

Noong Sabado, Nov. 13, naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente si Mayor Sara sa ilalim ng Lakas-CMD.

(NP)

The post Sec. Harry Roque, kakandidato pagka-senador appeared first on News Patrol.



Sec. Harry Roque, kakandidato pagka-senador
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments